2 OFWs nasawi sa sunog sa Najran, Saudi Arabia

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 22, 2018 - 06:42 AM

Kinumpirma ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia na mayroong dalawang Overseas Filipino workers (OFWs) ang nasawi nang masunog ang kanilang tinutuluyan sa nasabing bansa.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos, naganap ang sunog sa Najran province na isang probinsiya sa Western Region ng Saudi Arabia.

Nagpadala na ng team ang konsulado ng Pilipinas sa Najran para makakuha ang iba pang mga detalye at maasikaso ang mga labi ng dalawang OFW.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng konsulado mula sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ng dalawang OFWs, posible umanong electrical connection ang pinagmulan ng apoy.

Hindi naman muna pinangalanan ni Badajos ang dalawang nasawi habang patuloy pa ang pagbibigay impormasyon sa kanilang pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, OFWs, Radyo Inquirer, saudi arabia, fire incident, OFWs, Radyo Inquirer, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.