Bagong lider ng Maute group kinilala ng militar

By Mark Makalalad May 21, 2018 - 03:59 PM

Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy ang pagtugis nila sa tumatayong bagong lider ngayon ng Maute-ISIS terror group sa bansa.

Pagkumpirma ni Col. Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao, si Owayda Benito Marohamsar alyas Huwam at Abu Dar ang tanging buhay sa grupo ng mga lider ng maute na nakita sa video na nagpa plano ng pag atake sa Marawi City.

Dagdag pa ng opisyal, si Abu dar ay nagre-recruit ngayon ng mga gustong maging miyembro ng maute group kapalit ng P70,000 paunang bayad.

Nabatid na si Dar ay nakapulist sa kasagsagan ng bakbakan sa Marawi para kumuha ng reinforcement noong mga panahon ng matindi ang sagupaan sa lugar.

Pero dahil pinaigting ang Batas Militar doon at hindi na sya nakapabalik pa ng Marawi.

Samantala, sinabi naman ng AFP na may nakakalat silang intel officers sa mga tent cities kung nasaan ang mga bakwit

Tiniyak din ng militar, ginagawa nila ang lahat para hindi makapanggulo ang mga terorista at hindi maulit ang Marawi siege.

TAGS: abu dar, AFP, marawi, Maute Group, abu dar, AFP, marawi, Maute Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.