13 miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Agusan Del Sur
Labingtatlong miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa mga militar sa Purok 13, Sitio Sta Monica (Rock Island) Brgy. Bunawan Brook, Bunawan, Agusan Del Sur.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Jaime Datuin, Commanding Officer of 75th Infantry Batallion kasabay ng pag-welcome sa mga dating na rebelde na ka-partner na ngayon ng pamahalaan sa pagtataguyod ng peace and order.
Ayon kay Datuin, sumuko ang 13 sa Community Support Team (CST) ng Charlie Company at Intelligence Operatives ng MARAUDER Battalion (75IB) ng Philippine Army nitong Sabado.
Nahihirapan na aniya ang mga ito na magtago sa bundok lalo na’t sunod sunod ang military operations na ginagawa ng pamahalaan sa lugar.
Dahil sa pagsuko, pagkakalooban sila ng tulong ng gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Hinikayat naman ni Datuin ang iba pang mga rebelde sa Agusan na sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.