Walang binabantayan na sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Resposibility (PAR) sa kasalukuyan.
Ayon sa weather bureau, easterlies pa rin ang umiiral sa bansa na magdudulot ng maalinsangan at mainit na panahon maliban sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Inaasahang magiging pinakamainit ngayong araw sa Tuguegarao city sa 38 degrees Celsius habang 34 degrees Celsius naman ang sa Metro Manila.
Kahapon, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao City pa rin sa 38.5 degrees Celsius.
Naitala ang pinakamataas na heat index sa Casiguran, Aurora sa 46.7 degrees Celsius na sinundan ng Sangley Point sa Cavite at Surigao City sa 46.4 at 46 degrees Celsius.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.