Sister Patricia Fox binisita ang Kadamay sa Bulacan
Dinalaw ni Australian missionary Sister Patricia Fox ang Kalipunan ng Damayang Filipino (Kadamay) na kasalukuyang naninirahan sa pabahay ng gobyerno sa bayan ng Pandi, Bulacan.
Partikular na pinuntahan ni Sister Fox ang mga clinic sa Pandi Village 2 sa Barangay Mapulang Lupa at Villa Louise sa Barangay Siling Bata upang kausapin ang mga health workers sa lugar.
Ayon kay Kadamay information officer Michael Beltran, kaisa ng mga mahihirap at indigenous people is Sister Fox.
Ayon pa kay Beltran, dati nang nakipagkita ang madre sa ilan sa mga pamilyang nakatira sa pabahay ng pamahalaan sa Pandi. Mismong si Sister Fox pa aniya ang nagbigay-konswelo sa mga ito, matapos silang paalisin sa kanilang mga dating tinitirhan sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.