Tinambangan na piskal sa Quezon City, nailibing na

By Isa Avendaño-Umali May 20, 2018 - 01:42 PM

Inihatid na sa huling hantungan si Quezon City Assistant Prosecutor Rogelio Velasco, ngayong araw ng Linggo (May 20).

Matatandaan na siya ay tinambangan noong May 11, 2018 sa Holy Spirit Drive sa Barangay Don Antonio sa Quezon City.

Tadtad ng tama ng bala ang sasakyan nitong pulang Innova, pero mistulang siya lang ang target dahil nakaligtas ang anak niya na kasama niya noong nangyari ang ambush.

Bumuhos ang emosyon sa libing na dinaluhan ng buong mag-anak nito, mga kapwa abogado, mga kaklase sa UP Law at mga taga-Prosecutors League of Quezon City.

Bago ang libing ay idinaan muna ang mga labi ni Velasco sa Quezon City Hall kung saan ilang taon siyang nanilbihan.

Pagkatapos nito ay diretso sa Himlayang Pilipino Memorial Park kung saan nagkaroon muna ng eulogies ang mga kapatid, misis at mga anak ni Velasco.

Ayon kay Dra. Eleonor Velasco, biyudad ng yumaong piskal, napakabuting asawa at ama ng kanyang mister na mas prayoridad ang pamilya kaysa sa trabaho.

Ang limang anak ni Velasco, kapwa nagsabing natatangi ang kanilang ama na mula noong sila’y bata, hindi raw nakalimot sa paghatid at pagsundo sa eskwelahan… hanggang sila’y maging mga propesyunal ay hindi raw nagbago ang ama.

Sa gitna ng libing, sabay-sabay ba isinigaw ng mga prosekutor at abogado ang “Stop Killing Prosecutors” at hustisya para kay Velasco.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.