Alkalde ng Pantao Ragat, Lanao del Norte nakaligtas sa pananambang

By Chona Yu, Rhommel Balasbas May 20, 2018 - 02:27 PM

(UPDATED) Patay ang apat na katao habang sugatan ang isa pa matapos tambangan ang isang mayor kahapon ng umaga sa Barangay Cabagadan, Pantao Ragat, Lanao del Norte.

Ayon kay Lt. Col. Bernie Taquiban, Commander ng 4th Mechanized Infantry Batallion naganap ang pananambang pasado alas-diyes ng umaga ng Linggo.

Kagagaling lamang umano ni Pantao Ragat Mayor Lacson Lantud sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cabagadan para inspeksyunin ang isang water project nang maganap ang insidente.

Nakaligtas naman sa insidente ang alkalde

Nasawi ang mga security escorts ni Mayor Lantud na kinilalang sina Khaliq Disamburon, opisyal ng Barangay Lomidong; Hasanoding Hasim, retiradong pulis; Police Officer 2 Mahid Macalaba, miyembro ng lokal na polisya at escort ni Lantud; at isang kinilala bilang Tarapas Saro.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung sino ang mga suspek sa likod ng pananambang.

Samantala, ito na ang ikatlong beses na pinagbantaan ang buhay ni Lantud simula noong 2010.

Ayon kay Acting Chief of Police Senior Inspector Rector Iwangan, posibleng may kinalaman sa rido o clan feud ang motibo sa pananambang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.