Diego Loyzaga, nagsalita na tungkol sa kanyang mga larawan sa Boracay Island

By Rhommel Balasbas May 20, 2018 - 02:59 AM

Matapos umani ng batikos sa netizens tungkol sa kanyang ‘Boracay photos’ ay nagsalita na ang aktor na si Diego Loyzaga upang depensahan ang sarili.

Ayon kay Loyzaga, ang mga larawang kanyang ibinahagi sa Instagram kung saan kasama niya ang kanyang mga kaibigan ay pawang throwback photos lamang.

Binatikos ang aktor na anak ni Cesar Montano dahil sa kasalukuyang nakasara ang isla para sa anim na buwang rehabilitasyon at tanging mga residente lamang ang pinapapasok dito sa ngayon.

Ayon kay Loyzaga, ipinost lamang niya ang mga larawan bilang ‘appreciation’ sa kanyang mga kaibigan at hindi totoo anya ang mga alegasyon na gumamit ito ng impluwensya upang makapasok sa isla.

Anya pa, alam niya kung ano ang nangyayari ngayon sa isla at wala siyang masamang intension sa mga mamamayan ng Boracay at sa kasalukuyang sitwasyon nito.

Tinapos ng aktor ang kanyang post sa pamamagitan ng isang apology.

Samantala, sa isang bagong post ay sinabi ni Loyzaga na ang kanyang pagbisita sa Boracay ay noon pang April 1, taliwas sa mga gumagawa anya ng isyu na walang tao sa isla.

Kasama ang screenshots ng mga taong bumatikos sa kanya ay hinimok ng aktor ang publiko na tingnan ang kanyang Instagram feed upang makumpirma na siya ay pumunta ng Boracay bago pa ito isara.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.