DFA, inaalam pa kung may nadamay na Pinoy sa Texas shooting incident
Inaalam pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroong Pilipinong nadamay sa nangyaring shooting incident sa Santa Fe High School sa Texas, USA.
Sa inilabas na pahayag ng ahensya, patuloy na nakikipag-ugnayan ang consulate general sa Filipino community sa lugar.
Aabot sa 1,994 na Pilipino ang kasalukuyang naninirahan sa Galveston County kung saan malapit ang naturang paaralan.
Batay sa inisyal na ulat, umakyat na sa 10 katao ang patay habang 10 iba pa ang sugatan sa insidente.
Ginamit ng 17-anyos na suspek na si Dimitrios Pagourtzis ang isang shotgun at isang .9mm pistol sa pamamaril sa loob ng paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.