Wagi ang Magnolia kontra Meralco sa iskor na 81-79 sa kanilang laban kahapon para sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.
Ito ay matapos ang ilang beses na pagpalya ni Arinze Onuaku sa kanyang free-throws na maaari sanang nagpapanalo sa Meralco.
Halos dalawang minuto na lamang ang natitira ay lamang pa ang Meralco sa iskor na 79-72 ngunit isang 3-pointer shot ang pinakawalan ni Aldrech Ramos habang nakadagdag naman ng dalawang puntos si Mark Barroca para mailapit ang laban sa 79-77.
Sinundan pa ito ng free throws na naipasok ni Paul Lee at ang pinakahuling 3-second mark ni Vernon Macklin dahilan para lumamang pa ang Magnolia sa 81-79.
Bigo na ang Meralco na mai-tie pa ang laban sa overtime.
Ayon kay Magnolia Coach Chito Victolero, napakahalaga ng labang ito para sa kanyang koponan dahil alam nilang isang elite team ang Meralco na mayroong napakagaling na import.
Napaganda ng Magnolia ang kanilang record sa 3-1 habang bumaba naman sa 3-2 ang Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.