Usec. Noel Jorge Puyat nagbitiw sa PCOO para tumulong sa family business

By Alvin Barcelona May 18, 2018 - 04:42 PM

Twitter Photo

Nagsalita na ni PCOO Usec. Noel Jorge Puyat matapos kumpirmahin ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagbitiw na ito sa pwesto.

Sinabi ni Puyat na nagbitiw siya sa pwesto dahil kinausap aniya siya ng kaniyang ama na tulungan na lamang ito sa kanilang negosyo at ilan pang personal na dahilan.

Ayon kay Puyat, nagpaalam na siya kay PCOO Sec. Martin Andanar, may dalawa’t kalahating buwan na ang nakalilipas.

Gayunman, dahil marami pang kailangang asikasuhin sa kanilang opisina maging ang mga budgetary documents sa nagdaang ASEAN summit, ay nito lamang Mayo 1 siya nakapagsumite ng resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Puyat, wala pa syang nakukuhang confirmation of acceptance mula sa pangulo sa kaniyang resignation.

Nagulat din si Puyat sa lumabas na balita na nagkaroon umano ng anomalya sa paggastos ng PCOO sa ASEAN budget.

Aniya, ang lahat ng ginastos ay all accounted for, at kumpleto sila sa mga dokumento.

Hawak din ni Puyat ang certification galing sa Commission on Audit na magpapatunay na walang findings ang ahensya na nagsasabing may anomalya sa paggugol ng pondo sa ginanap na ASEAN summit sa bansa noong isang taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: COA, Noel Puyat, pcoo, Radyo Inquirer, COA, Noel Puyat, pcoo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.