GSIS naghain ng P147M ejectment case laban sa Sofitel PH

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 18, 2018 - 04:27 PM

Nagsampa ang Government Service Insurance System ng P147.2 million na ejectment at collection complaint laban sa Philippine Plaza Holdings Inc. (PPHI) na naglalayong paalisin ang Sofitel Philippine Plaza Manila sa loteng kinatitirikan nito.

Ayon kay GSIS chief legal counsel Isagani Cruz Jr. ang nasabing kompensasyon ay para sa pananatili ng Sofitel sa dalawang lote na pag-aari ng GSIS mula June 25, 1991 hanggang April 30, 2018.

Inihain ang reklamo sa Pasay City Metropolitan Trial Court.

Una nang sinabi ng GSIS na ang operator ng Sofitel ay ilegal na namamalagi sa lots 19 at 41 dahil wala itong lease contract sa ahensya.

Ang nasabing mga lote ay ginagamit ng Sofitel bilang valet parking space.

Sinabi ni GSIS President and General Manager Jesus Clint O. Aranas na ang nasabing mga lote ay hindi kabilang sa 25-year lease contract ng GSIS at PPHI na nilagdaan noong June 24, 2016 dahil ang sakop lang nito ay lots 30-A at 30-B.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: GSIS, Pasay City, Radyo Inquirer, Sofitel, GSIS, Pasay City, Radyo Inquirer, Sofitel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.