34th Balikatan Excercises nagtapos na ngayong araw

By Mark Makalalad May 18, 2018 - 02:58 PM

Mark Makalalad

Ibinida ng Pilipinas at ng Estados Unidos ang kanilang mas umigting na relasyon sa katatapos lamang na 34th Balikatan exercise.

Sa isang seremonya sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Lt. General Emannuel Salamat na dahil sa joint military exercise ay mas nangibabaw ang pagtutulungan at kooperasyon ng dalawang bansa. Dahil kasi sa samu’t saring pagsasanay ay nagkaroon ng palitan ng impormasyon at mas nahasa ang kakayahan ng mga sundalo.

Sinabi naman ni Brig. General Thomas Wedley ng US Marine Corps na mas lumago pa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at US. Dagdag pa nya, mas naging handa sila sa pagtugon sa kalamidad at iba pang banta sa kapayapaan at seguridad ng rehiyon.

Kaiba sa mga naunang Balikatan, sumentro ang Balikatan ngayong taon sa mga man-made calamity tulad ng chemical attack.

Bukod dito tumuon din ito sa counter terrorism at humanitarian assistance.

12 araw ang itinagal ng Balikatan 2018 na nilahukan ng 8,000 sundalo mula sa Pilipinas at US.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Balikatan Exercises, Radyo Inquirer, Balikatan Exercises, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.