Bagyong Lando, magdadala ng katamtaman hanggang malakas na ulan
Matapos tuluyang makapasok sa Philippine Area of Responsibility kahapon, napanatili ng Bagyong Lando na may international name na Tropical Storm Koppu ang lakas nito.
Batay sa 11pm weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, huli itong namataan sa 1,280 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Ito ay may lakas ng hangin na aabot sa 65 kph at pagbugso na 80 kph. Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa bahaging sakop ng 500 diameter ng bagyo.
Inaasahang kikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 22 kph.
Pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag munang maglayag sa mga karagatan sa Northern Luzon at eastern seaboard ng Central Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.