Arraignment kay Sen. Leila de Lima ipinapaliban ng Muntinlupa RTC
Ipinagpaliban ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang arraignment kay Senator Leila De Lima kaugnay sa illegal drug trade cases na kaniyang kinakaharap.
Personal na dumalo sa pagdinig ng korte si De Lima.
Sa halip na ngayong araw itinakda na lamang ni Judge Lorna Domingo Navarro ang pagbasa ng sakdal sa June 22.
Ito ay makaraang maghain ang kampo ni De Lima ng motion to quash.
Inatasan ng korte ang panig ng prosekusyon na sagutin ang mosyon ni De Lima sa loob ng limang araw na susundan naman ng pagsusumite ng reply ng kampo ng senadora.
Samantala, inatasan din ang prosekusyon na maghain ng komento sa hirit na furlough ni De Lima.
Hinihiling ni De Lima sa korte na sya ay payagang makalabas ng bilangguan sa June 3 para dumalo sa graduation ng kaniyang anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.