Pagsuspindi sa TRAIN law mas makakasama pa ayon sa DOF

By Jan Escosio May 18, 2018 - 08:57 AM

Maraming pangunahing programa ang gobyerno ang maapektuhan kapag sinuspindi ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ang paniniwala ni Finance Sec. Carlos Dominguez III at aniya ang unang matatamaan ang P8 trilyon na ‘Build, Build, Build’ Program ng administrasyong-Duterte.

Bukod pa dito, maaring mabawasan din ang pondo ng libreng tuition sa mga State Universities and Collges (SUCs) ganoon din ang ipinatutupad ng pagtaas sa suweldo ng mga pulis at sundalo.

Sinabi naman ni Finance Usec. Gil Beltran ang tax reform package ay nagdulot lang ng dalawang puntos sa 46 porsiyentong pagtaas sa halaga ng tobacco at anim na puntos naman sa 34 porsiyentong iminahal ng mga produktong-petrolyo.

Nabanggit din na ang mas malaking suweldo ng mga manggagawa ang nagtulak para tumaas ang halaga ng mga bilihin at serbisyo.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Finance, Radyo Inquirer, train law, Department of Finance, Radyo Inquirer, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.