Hubert Webb, papasok na rin sa pulitika

By Jay Dones October 15, 2015 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Tatakbo rin sa lokal na posisyon sa lungsod ng Parañaque ang dating naakusahang sangkot sa karumal-dumal na Vizconde Massacre case na si Hubert Webb.

Naghain si Webb ng kanyang certificate of candidacy sa Parañaque City upang tumakbo sa bilang konsehal.

Si Webb na anak ni dating senador at PBA player na si Freddie Webb ay nakulong ng 15 taon dahil sa pagkakadawit sa pagpatay sa pamilya Vizconde noong 1991.

Gayunman, pinawalang-sala ng Korte Suprema si Webb at lima pang naakusahang sangkot sa pagpatay sa mag-iinang Estrellita, Carmela, at Jennifer Vizconde noong 2010.

Ang kapatid nitong si Jason ay nasa ikatlo at huling termino na nito bilang councillor ng first district ng lungsod.

Tatakbo si Hubert Webb bilang isang independent candidate.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.