Co-accused ni Rep. Gloria Arroyo sa PCSO intel fund scam pinawalang sala ng Sandiganbayan

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 17, 2018 - 01:01 PM

INQUIRER FILE / EDWIN BACASMAS

Pinawalang sala ng Sandiganbayan si dating PCSO general manager Rosario Uriarte sa kasong plunder kaugnay sa P366 million na PCSO intel funds case.

Ang pagkakabasura sa plunder case ni Uriarte ay mangangahulugang lahat ng co-accused ni dating pangulo at ngayon ay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa nasabing kaso ay napawalang sala na.

Sa desisyon, binanggit ng Sandiganbayan ang July 2016 rulling ng Korte Suprema na nagpapawalang sala kay Arroyo sa kaso.

Sa nasabing SC ruling, nilinis ang pangalan ni Uriarte sa pagkakadawi sa isyu.

Kasabay ng pagpapawalang sala kay Uriarte, iniutos rin ng Sandiganbayan na alisin na ang umiiral na hold departure order laban dito.

Si Sandiganbayan Associate Justice Efren Dela Cruz ang sumulat ng desisyon na pinaboran nina Associate Justice s Geraldine Faith Econg at Edgardo Caldona.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Gloria Arroyo, PCSO Fund Scam, plunder, Radyo Inquirer, Rosario Uriarte, sandiganbayan, Gloria Arroyo, PCSO Fund Scam, plunder, Radyo Inquirer, Rosario Uriarte, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.