Suspek sa pagnanakaw sa isang resort sa Cavite patay sa shootout

By Angellic Jordan May 17, 2018 - 12:49 PM

Inquirer file photo

Patay ang isang hinihinalang magnanakaw habang nakatakas naman ang apat na kasamahan sa nangyaring shootout sa Alfonso, Cavite.

Ayon kay Calabarzon police director CSupt. Guillarmo Eleazar, naganap ang shootout ng 4 na magnanakaw at pulisya sa Barangay Amuyong bandang 3:00, Huwebes ng madaling-araw.

Aniya, nakatanggap ng ulat ang pulisya na umatake ang mga magnanakaw sa private resort na Olive Tree Villa.

Bunsod nito, agad nagtalaga ng checkpoints ang pulisya sa bisinidad ng naturang private resort.

Binalaan pa aniya ang mga suspek na sumuko na sa otoridad nang biglang magpaputok ng baril ang isa sa mga suspek kung kaya’t bumawi ng putok ang pulis na naging sanhi naman ng pagkamatay ng isang magnanakaw.

Narekober sa mga suspek ang ilang cellphone, relo at pera na nagkakahalaga ng P15,000 na pawang nakaw na gamit mula sa mga guest ng resort.

Nakuha rin ng pulisya ang isang kalibre 38 na baril mula sa isang hindi pa nakikilalang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Alfonso Cavite, Olive Tree Villa, Radyo Inquirer, shootout, Alfonso Cavite, Olive Tree Villa, Radyo Inquirer, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.