Sen. Cyntia Villar at Sen. Manny Pacquiao, nanatiling pinakamayang senador base sa kanilang SALN

By Jan Escosio May 17, 2018 - 12:37 PM

Inquirer File Photo

Si Senator Cynthia Villar pa rin ang pinakamayaman sa hanay ng 23 senador sa mataas na kapulungan ng kongreso base sa isinumite nilang Statement of Assets, Liabilities of Networth o SALN para sa nagdaang taon.

Ang halaga ng yaman ng senadora ay mahigit P3.611 billion habang sumunod sa kaniya si Senator Manny Pacquiao na mayroong P2.9 billion na yaman.

Si Villar at kaniyang pamilya ay kilala sa real estate business habang si Pacquiao naman ay batid ng lahat na isang professional boxer.

Ang tatlong senador naman na may pinakamaliit na yaman sina Sen. Francis Escudero, P8.5 million; Sen. Leila de Lima, P7.9 million at ang itinuturing na pinakamahirap na senador ngunit milyonaryo pa rin ay si Sen. Antonio Trillanes IV na nagdeklara ng yaman na P6.8 million.

Narito ang listahan ng idineklarang yaman ng 23 senador:

1. Cynthia Villar (P3,611,260,766)
2. Manny Pacquiao (P2,946,315,029)
3. Ralph Recto (P627,696,651)
4. Migz Zubiri (P152,094,252)
5. Sonny Angara (P131,765,860)
6. Franklin Drilon (P93,727,005)
7. Grace Poe (P90,674,709)
8. Sherwin Gatchalian (P88,226,485)
9. JV Ejercito (P78,953,332)
10. Richard Gordon (P69,508,942)
11. Tito Sotto (P64,730,400)
12. Nancy Binay (P60,612,685)
13. Loren Legarda (P51,316,903)
14. Bam Aquino (P39,192,743)
15. Ping Lacson (P36,305,440)
16. Gringo Honasan (P25,243,912)
17. Joel Villanueva (P23,727,895)
18. Koko Pimentel (P18,110,000)
19. Risa Hontiveros (P16,196,665)
20. Francis Pangilinan (P13,471,564)
21. Chiz Escudero (P8,502,082)
22. Leila De Lima (P7,944,973)
23. Antonio Trillanes IV (P6,871,743)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cynthia villar, manny pacquiao, SALN, Senators, cynthia villar, manny pacquiao, SALN, Senators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.