Star-studded ang unang tatlong araw ng filing ng COC sa Comelec

By Jay Dones October 15, 2015 - 04:17 AM

 

Mula sa Inquirer

Bukod sa mga pulitiko at mga ordinaryong indibidwal na nais tumakbo sa susunod na eleksyon, dumadagsa rin ang mga TV at Movie celebrities sa tanggapan ng Comelec.

Kasama sa mga sikat na artista na nagtungo sa Comelec kahapon ay sina Megastar Sharon Cuneta na sinamahan ang kanyang mister na si dating Senador Francis Pangilinan na tatakbong muli sa ilalim ng Liberal Party.

Dumating din sa Comelec si Batangas Governor Vilma Santos na sinamahan ang kanyang mister na si Senador Ralph Recto na maghian muli ng COC upang tumakbo sa kaparehong posisyon sa susunod na taon.

Nagtungo rin sa Comelec ang aktres na si Alma Moreno na tatakbo bilang senatorial candidate sa ilalim ng United Nationalist Alliance.

Kasama ni Alma ang kanyang mga anak na artista rin na sina Vandolph at Wynwyn Marquez.

Kasama naman ni Sen. Lito Lapid ang kanyang anak na si Pampanga Governor Mark Lapid na naghain ng COC para tumakbong senador sa ilalim ng LP. Nitong nakaraang araw, sinamahan ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang pamangkin na si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa paghahain nito ng COC para tumakbong senador.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.