Panukalang batas para sa AIDS/HIV, lusot na sa ikalawang pagbasa sa senado

By Jan Escosio May 17, 2018 - 11:20 AM

Inaprubahan na sa second reading sa senado ang panukala na papalit sa umiiral na batas ukol sa HIV-AIDS epidemic sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros at sinabing ang Senate Bill 1390 na iniakda nila ni Health Committee Chair JV Ejercito ay layong palitan na ang Republic Act 8504 na dalawang dekada o 20 taon nang ipinatutupad.

Ayon kay Hontiveros hindi na naaayon sa panahon ang naturang batas dahil hindi na nito ganap na natutugunan ang sitwasyon ngayon ng HIV at AIDS sa bansa.

Giit ng senadora kailangang magkaroon ng bagong istratehiya para malabanan ang epidemiya.

Banggit ni hontiveros, ang Pilipinas ang may pinakamataas ng HIV infection rate sa Asia Pacific at sa nakalipas na anim na taon tumaas ng 140 porsiyento ang HIV cases sa bansa base sa ulat ng United Nations.

Lumalabas na kada araw ay may bagong 31 kaso at 80 porsiyento sa kanila ay may edad 15 hanggang 30.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AIDS, HIV, Risa Hontiveros, Senate, AIDS, HIV, Risa Hontiveros, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.