Part 2 ng TRAIN law tututulan ng minorya sa kamara

By Erwin Aguilon May 17, 2018 - 10:44 AM

Handang tutulan ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez ang isinusulong na package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Ayon kay Suarez, kailangang magkaroon ng malalimang pag-aaral sa epekto ng TRAIN Law.

Kailangang anyang maitama ang implementasyon ng TRAIN 1 na naging dahilan ng pagtaas ng lahat ng bilihin.

Iginiit ni Suarez na kapag ginusto pa ng pamahalaan ng mas malaking koleksyon ay magdudulot ito ng problema dahil hindi naman malakas ang ekonomiya ng bansa

Sinabi pa nito na dahil sa pagtaas ng inflation rate, tama lamang ang kanyang naging babala noon.

Idinagdag nito na mali ang mga economic managers ng gobyerno dahil sa hindi tamang pagpayapa noon sa publiko na hindi magkakaroon ng malaking epekto ang TRAIN.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Danilo Suarez, House of Representatives, part 2, Radyo Inquirer, train law, Danilo Suarez, House of Representatives, part 2, Radyo Inquirer, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.