3 manggagawa ng isang construction site sa Cebu City nakaligtas sa landslide

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 17, 2018 - 06:58 AM

CDN Photo

Nakaligtas ang mga construction worker makaraang gumuho ang riprap sa bahagi ng isang construction site sa Cebu City.

Naganap ang landslide sa loob ng Ma. Luisa Subdivision sa Barangay Banilad, Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Office head Nagiel Bañacia, walang natabunang construction workers sa landslide.

Una nang nag-post sa Facebook ang CDRRMO na tatlong manggagawa ang pinangangambahang natabunan ng gumuhong lupa.

Pero paglilinaw ni Danny Suarez, construction foreman, wala silang manggagawa na natutulog sa nasabing lugar nang maganap ang insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ang dahilan ng pagguho ng riprap.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cebu City, landslide, Radyo Inquirer, Cebu City, landslide, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.