Pangulong Duterte hinimok ang mga Muslim na isabuhay ang pananampalataya ngayong Ramadan

By Rhommel Balasbas May 17, 2018 - 05:00 AM

“Manifest faith through action”.

Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Muslim sa paggunita sa holy month of Ramadan.

Hinimok ng presidente ang mga Muslim na tumulong na gawing mas mapayapa at nagkakaisa ang bansa sa darating na mga taon.

“I ask that you foster a sense of solidarity among all Filipinos by manifesting faith through action. Let us join hands in the shared task of nation-building as we make the Philippines a more inclusive, peaceful, and united country in the years to come,” ani Duterte.

Hangad umano ni Duterte ang presensya ng kapayapaan, habag at biyaya ni Allah sa mahalagang okasyon na ito para sa mga Muslim.

Sinabi ng pangulo na ang panahong ito ay panahon upang pagnilayan ng mga Muslim ang mga turo ng Qur’an at pinagtitibay nito ang kanilang hangaring mapaunlad ang pananampalataya.

“This significant event reveals to them the will of Allah and reaffirms their resolve to achieve spiritual cleansing and growth,” ayon sa pangulo.

Samantala, umaasa ang pangulo na magpapatuloy ang pagtulong ng mga Filipinong Muslim sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mahahalagang turo ng Islam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.