P2 taas-pasahe sa jeep inihirit sa LTFRB

By Isa Avendaño-Umali May 17, 2018 - 04:42 AM

Naghain ng petisyon para sa dagdag-singil ang ilang operators ng pampasaherong jeepney sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang mga petitioner ay iba’t ibang operator na sumunod sa modernization program ng pamahalan.

Sa 8 pahingang petisyon, P2 ang hirit nilang pagtaas sa singil sa pamasahe.

Para sa non-aircon jeepney, mula sa P8 ay nais nilang maging P10 na ang minimum na pamasahe sa unang apat na kilometro. P2 ang dagdag sa kada kilometro, mula sa kasalukuyang P1.50; at may dagdag pang P1 sa pamasahe kapag rush hour.

Kung aircon jeepney naman, mula sa P10 ay inihihirit na itaas na sa P12 ang minimum na pamasahe sa unang apat na kilometro. P2 ang dagdag sa kada kilometro at may dagdag pang P1 kapag rush hour.

Hiling pa ng mga operator na magkaroon ng provisional increase sa minimum na pamasahe na P1, habang nakabibin ang petisyon sa LTFRB.

Kabilang sa mga humihingi ng fare hike ay ang mga bumibiyahe sa rutang Marikina-Stop and Shop-Aurora; SSS Village-Stop and Shop-Aurora; Cubao-Lagro via Kalayaan; at Cubao-Silangan-San Mateo via Marikina.

Umaasa ang mga operator na mapagbibigyan sila, dahil sumunod naman daw sila sa modernization program ng gobyerno.

Malaki rin anila ang maitutulong ng fare increase sa kanilang hanay, lahat pamahal ng pamahal ang halaga ng diesel at spare parts ng mga jeepney.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.