Pagsusumite ng documentation sa war on drugs tinawaran ng OSG
Humiling ng palugit na 60 araw ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema para maisumite ang mga dokumento kaugnay ng giyera kontra droga.
Ayon sa OSG, marami pang case folders ng mga nasawi at nasugatan sa kampanya ang kinakailangang kolektahin at beripikahin.
Kabilang dito ang mga pagkamatay ni Ryan Dave Almora, Rex Appari at Jomar Manaois.
Hiniling ng OSG na bigyan ito ng hanggang June 25 para maisumite ang iba pang dokumento sa Korte Suprema.
Una nang nagsumite ang OSG ng hindi bababa sa 30 case folders sa hukuman.
Sa kautusan ng Korte Suprema, April 26 ang itinakdang deadline para sumunod ang gobyerno sa mga hinihiling nito kaugnay sa dalawang reklamong kumkwestyon sa legalidad ng gyera kontra droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.