Kapapanalo lang na kapitan ng barangay sa Cotabato inaresto ng PDEA

By Rohanisa Abbas May 16, 2018 - 10:12 AM

Inaresto ang isang re-electionist na barangay chairman na kapapanalo lang sa eleksyon matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kanyang bahay sa Makilala, Cotabato.

Isinilbi ng PDEA ang search warrant laban kay Barangay Malasila Chairman Melvin Fortajada at naghanap ng droga at mga iligal na armas.

Nadiskubre ng mga operatiba ang limang sachet ng shabu, drug paraphernalia at tatlong bala ng kalibre .45 na baril.

Itinanggi naman ni Fortajada na sa kanya ang mga droga. Iginiit niya na itinanim lamang ito.

Wala namang nakitang baril ang PDEA sa bahay ng kapitan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Illegal Drugs, Makilala Cotabato, PDEA, Radyo Inquirer, Illegal Drugs, Makilala Cotabato, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.