Pilipinas magiging maingat na sa Philippine Rise, may phobia na sa ginawa ng China sa South China Sea

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 16, 2018 - 06:56 AM

Philippine Rise

Dahil may phobia na ang Pilipinas sa ginawang pag-angkin ng China sa South China Sea, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging maingat na pamahalaan sa Philippine Rise.

Ayon sa Panguo dahil sa dinatnan niyang sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea hindi na siya magpipilit na makipag-away sa China at kukunin na lang niya kung anong maaring maibigay o makuha ng Pilipinas.

Pero ibang usapan aniya ang Philippine Rise dahil malinaw namang pag-aari ito ng bansa.

Kung ano ang formula na ginamit ng China sa pag-angkin sa West Philippine Sea, ito rin ang ginamit niya sa pagprotekta ngayon sa Philippine Rise.

Sinabi ng pangulo na hindi pwedeng maging mahina ang Pilipinas sa usapin sa Philippine Rise dahil maagaw itong muli ng iba pang bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Benham Rise, Philippine Rise, Radyo Inquirer, Benham Rise, Philippine Rise, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.