Panukala para sa abolisyon ng PCGG lusot na sa Kamara
Inaprubahan na ng Kamara ang panukala para sa abolisyon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Sa botong 160-10, lumusot sa third and final reading ang House Bill 7378 o ang proposed “Office of the Solicitor General Charter”.
Kinakailangan na lamang nito ang counterpart bill sa Senado para magsilbing consolidated bill para maging ganap na isang batas.
Laman rin ng nasabing panukala ang pagdurog sa Office of the Government Corporate Counsel na isasailalim na rin sa mas pinalakas na Office of the Solicitor General.
Nangangahulugan ito na mapupunta na sa OSG ang paghahabol sa mga ill-gotten wealth, properties at ilan pang mga nakaw na yaman ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan.
Ang PCGG ay binuo noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino para habulin ang mga umano’y nakaw na yaman ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.