Brgy. officials na nanalo sa halalan hindi ligtas sa Oplan Tokhang ayon sa PNP
Hindi ligtas sa Oplan Tokhang ang mga Barangay officials na nanalo sa nakalipas na eleksyon na kabilang sa Narcolist.
Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde, maari pa ring maging target ng Oplan Tokhang ang mga ito kapag mayroong matibay na ebidensya.
Sinabi ni Albayalde na maaari naman silang sumuko kung gusto nila.
Gayunman, kung hindi sila susuko pero may matibay na ebidensya ay maaari naman aniyang magkasa sila ng operasyon laban sa opisyal.
Ayon kay Albayalde, magsasagawa ang PNP ng case build-ups para makumpirma kung mayroong mga nasa Narcolist na nanalong opisyal ng Barangay sa nakalipas na halalan.
Matatandaang isinapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ng mga opisyal ng Barangay na dawit umano sa iligal na droga para magsilbing gabay sa mga botante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.