Nanumpa na sa Malacañan sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Bernadette Romulo-Puyat.
Sarado sa media ang naturang pangyayari.
Sa pahayag na inilabas ng Palasyo ng Malacañan, nakasaad na kasama ni Puyat ang kanyang anak at mga magulang nang ito ay manumpa sa tungkulan.
Matapos ang oath-taking ceremony ay nagkaroon ng salu-salo ang pangulo, si Puyat at kanyang pamilya, at iba pang mga panauhin sa President’s Hall.
Matatandaang itinalaga si Puyat sa DOT matapos ang kontrobersiyang kinasnagkutan ni Wanda Teo at kanyang mga kapatid na blocktimer ng PTV-4 ukol sa P60 milyon advertising contract.
Bago itinalaga si Puyat ay sa kagawaran ay nanungkulan muna ito bilang undersecretary ng Department of Agriculture (DA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.