Halalan, generally peaceful ayon sa PNP

By Justinne Punsalang May 15, 2018 - 03:42 AM

Commonwealth Elem. School | Jong Manlapaz

Generally peaceful at orderly.

Ganito inilarawan ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao ang naging estado ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections kahapon, May 14 sa buong bansa.

Simula April 14 hanggang sa mismong araw ng eleksyon ay 47 mga election-related violence ang naitala ng mga otoridad. 35 mula sa nasabing bilang ang nasawi, habang 27 naman ang sugatan.

Ngunit ayon kay Bulalacao, maituturing na isolated cases lamang ang mga naganap na insidente ng karahasan.

Aniya pa, hindi naman naapektuhan ng nasabing mga karahasan ang naging resulta ng eleksyon.

Paalala ng mga otoridad, magpapatuloy ang election period hanggang May 21, kaya naman mayroon pa ring mga itatayong checkpoint ang mga pulis at mananatili silang nakamonitor sa mga mangyayaring karahasan na posibleng may kinalaman sa halalan.

TAGS: PNP, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.