Failure of election, posibleng ideklara sa isang barangay sa Northern Samar

By Justinne Punsalang May 15, 2018 - 03:20 AM

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na sa isang barangay lamang sa buong bansa hindi natuloy ang barangay at Sangguniang Kabataang (SK) elections.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni COMELEC Acting Chairman Al Parreño na sa ngayon ay pinag-aaralan nila kung kailangan bang ideklara ang failure of election sa isang barangay sa Northern Samar.

Ani Parreño, hindi pa nila alam ang kabuuang detalye tungkol sa naturang barangay dahil nasa liblib itong lugar.

Paglilinaw pa ni Parreño, bagaman posibleng ideklara ang failure of election sa naturang barangay, ay hindi pa muna nila ito inaanunsyo dahil posible aniyang natuloy naman ang eleksyon.

Dagdag ni Parreño, titiyakin muna ng COMELEC kung hindi ba talaga natuloy ang halalan bago isiwalat ang buong detalye ukol dito.

TAGS: comelec, failure of election, northern samar, comelec, failure of election, northern samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.