WATCH: Botohan sa pinakamalaking barangay sa buong bansa, naging maayos
Maaga pa lamang ay dagsa na ang mga botante sa Bagong Silang Elementary School sa North Caloocan City.
Kanya-kanyang tingin sa mapa ng eskwelahan kung nasaan ang kanilang presinto at ang iba naman ay pumila sa voter’s assistance center ng PPCRV para sa mga naghahanap ng kanilang polling precints.
Ang mga guro naman abala sa paghahanda ng mga gagamitin sa eleksyon at nang handa na ipinatawag ang mga watcher upang ipakita na walang laman ang ballot box bago ito ikinandado.
Matapos ang pagdadasal at countdown agad sinimulan ang botohan ganap ba alas syete ng umaga.
Isa sa unang bumoto si Wilson Ramirez na ilang minuto lamang ay natapos din kaagad.
Mayroon na rin anya siyang dalang kodigo sa pagboto.
Samantala, maaga namang nag-ikot sa bagong silang elementary school si NCRPO Chief Camilo Cascolan upang tiyakin ang seguridad sa lugar.
Masaya naman si Albayalde sa pagpapatupad ng seguridad sa lugar.
Mayroon kasing mga pulis sa entrada ng eskwelahan upang matiyak na walang manggugulo.
Wala namang napaulat na kaguluhan sa pagsisimula ng botohan sa lugar.
Ang bagong silang ang pinakamalaking barangay sa buong bansa na may botante na aabot sa halos 90, 000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.