WATCH: Ilang media na magko-cover ng eleksyon, hinarang sa Commonwealth Elementary School
Kahit na may accredited ID galing sa Comelec ay naging matigas pa rin ang mga gwardya ng Commonwealth Elementary School at piling media lang ang pinapasok sa loob nito.
Sinubukan ng Radyo Inquirer na kunin ang pangalan at numero ng prinsipal pero sa kabila ng lahat ng kumprumiso ay pinagbawalan pa rin kami.
Makaraan ng dalawang oras na paghihintay at matapos tumugon ang Comelec ay pinapasok din ang mga media.
Ang prinsipal ng paaralan, hugas kamay sa insidente.
Wala naman daw silang tinatago kaya bukas sila sa kung anong media pa man ang magko-cover ng halalan.
Paliwanag pa ni Emily Pelobello, ang punong guro ng paaralan na maayos naman ang bilin niya sa kanyang mga gwardya na kung may media ay i-assist papunta sa kanya, kaya nagtataka sya na bakit nagdesisyon sa sarili nila ang mga gwardya.
Dagdag pa ni Pellobello, may attitude problem ang guard dahil may nauna na itong record ng insubordination sa kanya.
Dahil dito, tinawagan na ang agency na pinagtatrabahuan ni Rino Agao, gwardiya at pinalitan na siya sa paaralan.
Ililipat naman si Agao sa ibang assignment ng kanyang kumpanya.
Giit ng Comelec, malaya ang media na mag-cover sa mga polling precints dahil sa pamamagitan nito mas maipapakita ang ‘transparent’ na proseso ng botohan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.