SK candidate na mananalo pero mapapatunayang overaged at hindi rehistrado, hindi ipoproklama

By Isa Avendaño-Umali May 14, 2018 - 07:21 PM

Hindi ipo-proklama ang sinumang nanalong kandidato sa Sangguniang Kabataan o SK elections na mapapatunayang “overaged” at hindi rehistradong botante.

Paalala ni Commission on Elections o Comelec officer-in-charge Al Parreño, kabilang sa mga requirement sa hanay ng SK chairman at mga miyembro ay dapat may edad na 18-anyos at hindi lalampas ng 24-anyos sa araw ng halalan, at syempre isang kwalipikadong botante.

Kapag nabisto aniya ng Comelec na hindi naabot ang mga naturang requirement ng mga nanalong kandidato sa SK, walang magaganap na proklamasyon sa mga ito.

Ibig sabihin, hindi papayagan ng Comelec na makaupo sa pwesto ang mga kandidato sa SK na mananalo sa bilangan, subalit kumpirmadong lagpas sa age limit o hindi registered voters.

Batay sa Comelec, sinabi ni Parreño na aabot sa apat na libo ang nakuha nilang reklamong kaugnay dito.

Samantala, inaasahan ng poll body na malalaman din ngayong araw kung sinu-sino ang mga nagwaging kandidato sa SK at Barangay elections.

TAGS: comelec, election, sk, comelec, election, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.