Walang automatic disqualification sa mga kandidatong nakita sa mga ipinamahaging sample ballots ayon sa Comelec
Hindi otomatikong diskwalipikado ang mga kandidatong nakalagay ang pangalan sa mga nakalagay sa sample ballots na ipinamamahagi ngayong kasagsagan ng eleksyon.
Ipinahayag ito ng Commission on Elections (Comelec) kasunod ng ulat ng pamimigay ng sample ballots na may pangalan ng mga kandidato sa Barangay Culiat.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ilegal ito dahil ikinukunsidera itong porma ng pangangampanya sa mismong araw ng eleksyon.
Iginiit ni Jimenez na dapat ay blangko o pangalan ng mga pekeng kandidato ang laman ng sample ballots.
Sinabi ng Comelec na kinakailangang may magreklamo nito para maimbestigahan kung sino ang tunay na nasa likod nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.