Dalawang sundalo at sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group sa sagupaan na naganap sa Patikul, Sulu, Linggo ng umaga.
Naka-engkwentro ng mga miyembro ng 5th Scout Ranger Battalion ang mga bandidong grupo sa kasagsagan ng pagsagip sa mga kidnap victims na hawak ng mga rebelde.
Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana ng Joint Task Force Sulu tumagal ng halos isang oras ang palitan ng putok.
Naging limitado aniya ang kilos ng mga sundalo dahil kailangan nilang protektahan ang mga kidnap victims.
Nakuha mula sa mga bandido ang M16 rifle habang ang dalawang sundalong nasawi ay dinala sa headquarters ng Joint Task Force Sulu at mula doon ay dadalhin naman sila sa Zamboanga bago dalhin sa kanilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.