Operasyon ng transmission lines normal ngayong araw ng eleksyon ayon sa NGCP

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 14, 2018 - 06:47 AM

Normal ang sitwasyon ng suplay ng kuryente sa buong bansa ngayong araw ng Barangay at SK elections.

Batay sa power situation update ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, asl of 5AM ng umaga, normal ang operasyon ng lahat ng transmission lines at pasilidad ng NGCP.

Una rito tiniyak ng NGCP na walang magaganap na malawakang brownout ngayong araw ng eleksyon.

Ito din ang pagtitiyak ng Department of Energy (DOE) sa publiko.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, nmoong nakaraang linggo ay nakipagpulong ang ahensya sa Task Force on Energy Resiliency (TFER), National Security Council, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard para talakayin ang contingency plans ngayong araw ng halalan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ngcp, power situation, Radyo Inquirer, ngcp, power situation, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.