Basketball Without Borders magbabalik sa India
Magbabalik sa bansang India ang Basketball Without Borders.
Ayon sa anunsyo ng NBA at FIBA, magaganap ang Basketball Without Borders Asia 2018 simula May 30 hanggang June 2, sa NBA Academy India.
Huling pumunta sa India ang naturang event noong 2008.
Layunin nito na pagsama-samahin ang mga kabataang manlalaro ng basketball sa India, edad 17 pababa upang maturuan ng mga NBA at FIBA players at coaches.
Bukod sa Basketball Without Borders ay magaganap rin sa NBA Academy India ang NBA Academies Women’s Program simula May 27 hanggang 29 na pangungunahan nina dating WNBA stars Jennifer Azzi at Ruth Riley.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.