5 kandidato sa Quezon, arestado dahil sa perjury

By Rohanisa Abbas May 13, 2018 - 07:44 PM

Arestado ang limang kandidato ng barangay sa Catanauan, Quezon dahil sa kasong perjury.

Ayon kay Chief Inspector Raul Abenilla, hepe ng Unisan Police, ito ay sina Renerio Holanda Paglinawan, kandidato sa pagka-kapitan, at mga tumatakbo sa kagawad na sina Alma Nicoleta Perez, Christopher Surio Raby, Jacobo Orfanel Jr., at Rommel Vallez Dioquino. Sila ay pawang kandidato ng Barangay 5.

Ayon kay Abenilla, pinalaya rin kahapon ang limang kandidato matapos maglagak ng pyansa.

Ipinahayag ni Abenilla na inakusaha ng incumbent barangay chair na si Chris Capina ang lima ng perjury sa reklamong administratibo na isinampa laban sa kanya.

Ayon sa pulisya, si Capina ay sinuspinde base sa mga reklamo na inakusahan siya ng misconduct sa pamamalakad sa barangay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.