Mga lokal na opisyal, sangkot umano sa harassment at vote-buying sa barangay at SK elections
Nakatanggap ng ulat ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng mga ulat ng pangha-harass at pagbibili ng boto sa iba’t ibang bahagi ng bansa bago ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Isiniwalat ito ni DILG Undersecretary Martin Diño. Aniya, sangkot dito ang mga congressman, gobernador, alkalde, konsehal at mga nakaupong kapitan ng barangay.
Ayon kay Diño, karamihan sa mga ulat na kanilang natanggap ay mula sa Metro Manila, Bicol, Northern Luzon, parikular sa Ilocos at Abra, at sa Mindanao.
Nanawagan naman si Diño sa mga mambabatas, mayor at gobernador na huwag nang makialam sa halalan. Babala niya, kapag nahuli silang nanakot o bumibili ng boto, maaari silang patawan ng perpetual disqualification o pagbabawal na maupo sa public office.
Sa ngayon, bineberipika na ng DILG ang mga ulat na ito at isusumite sa Commission on Elections para sa legal na hakbang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.