Pimentel pinamamadali sa PNP ang pagtugis sa pumatay kay Rep. Eriguel

By Rohanisa Abbas May 13, 2018 - 06:16 PM

Hinimok ni Senate President Koko Pimentel ang Philippine National Police na hulihin sa lalong madaling panahon ang mga pumatay kay La Union Representative Eufranio Eriguel.

Ipinahayag ni Pimentel na kailangang mabilis na tugunan ng PNP ang insidente.

Aniya, kinakailangan ang isang propesyunal at may kredibildad na pulisya para mapigilan ang mga kriminal at maparusahan ang mga lumalabag sa batas.

Pinatay sa pananambang si Eriguel kasama ang kanyang dalawang body guards habang nagtatalumpati sa Barangay Capas sa Agoo, La Union.

Si Eriguel ay kasama ni Pimentel sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP Laban).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.