Sereno, maghahain ng MOR sa kanyang pagkakasibak bilang punong mahistrado

By Angellic Jordan May 13, 2018 - 10:07 AM

Inquirer file photo

Nakatakdang umapela si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno bunsod ng pagkakasibak nito sa pwesto.

Sa isang mensahe, sinabi ni Carlo Cruz, tagapagsalita ni Sereno, maghahain ng motion of reconsideration (MOR) ang kanilang kampo sa naging desisyon ng Supreme Court (SC).

Aniya, nagsimula ang pagpapatalsik kay Sereno nang labanan nito ang madugong war on drugs campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinutulan din ng ilang legal experts ang naging desisyon ng SC sa pamamagitan ng inihang quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida sa botong 8-6.

Hinikayat naman ni Sereno ang kanyang mga tagasuporta na patuloy ang paglaban sa hustisya.

TAGS: Maria Lourdes Sereno, motion of reconsideration, Supreme Court, Maria Lourdes Sereno, motion of reconsideration, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.