Daanbantayan mayor Loot, nakaligtas sa pananambang

By Chona Yu May 13, 2018 - 09:45 AM

(Updated) Tinambangan ng limang armadong lalaki si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot bandang 7:30, Linggo ng umaga sa Maya port, Daanbantayan, Cebu.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Supt. Virgilio Bayon-on, tagapagsalita ng Cebu province na galling ng Malapascua Island si Loot kasama ang kanyang pamilya, bodyguard at yaya para dumalo sa fiesta.

Gayunman, pagdaung ng sinasakyang motorized banca, bigla na lamang pinaputukan si Loot ng limang armadong lalaki.

Nakaligtas naman si Loot subalit nasugatan ang kanyang drayber at yaya.

Kasama ni Loot ang kanyang misis na si Daanbantayan Vice Mayor Maria Luisa Loot, at stepson na si Board Member Sun Shimura nang maganap ang insidente.

Ayon kay Shimura, ligtas naman ang kanyang tatlong anak na may edad dalawang taong gulang, tatlong taong gulang at anim na taong gulang.

Ayon kay Bayon-on, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.

Nasa Daanbantayan police station na si Loot ngayon at nagbibibigay ng salaysay.

TAGS: Daanbantayan Cebu mayor Vicente Loot, Malapascua Island, Supt. Virgilio Bayon-on, Daanbantayan Cebu mayor Vicente Loot, Malapascua Island, Supt. Virgilio Bayon-on

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.