Pagpapatalsik kay ex-CJ Sereno, hindi legal – Assoc. Justice Caguiao

By Alvin Barcelona May 12, 2018 - 03:58 PM

Nanindigan si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na labag sa saligang batas ang ginawang pagpapatalsik ng mga kasamahan nito sa Korte Suprema laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa 64-pahinang dissenting opinion ni Caguioa na inilabas ng Korte Suprema, sinabi niyo na sa ilalim ng  Article XI, Section 2 ng saligang batas,  hindi maaaring matanggal si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto na isinampa ni Solicitor General Jose Calida.

Iginiit ni Caguioa na hindi balidong dahilan sa konstitusyon ang hindi pagsusumite ng kumpletong Statement of Assets and Liabilities and Networth o SALN para kuwestiyunin ang kwalipikasyon ng chief justice.

Bukod dito, lampas na sa isang taong prescriptive period ang quo warranto na isinampa laban sa punong mahistrado.

Kaugnay nito, inihalintulad ni Caguioa ang ginawa ng SC sa Japanese suicide na sepuouko o harakiri na walang karangalan.

Ikinahihiya din aniya niya inilabas na desisyon ng mga kasamahang mahistrado na agad na executory kaagad.

Kahit na aniya gaano kinamumhian ang isang miyembro ng SC, hindi dapat na binabago ang alituntunin ng korte para ito ay idispatsahin.

TAGS: Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, Maria Lourdes Sereno, SALN, Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, Maria Lourdes Sereno, SALN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.