Dayaan sa manual vote counting sa Brgy. & SK elections, malabo – NAMFREL
Kumpiyansa ang election watchdog NAMFREL na malabong makalusot ang pandaraya sa bilangan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Eric Jude Alvia, Secretary General ng NAMFREL, marami kasi ang magiging observers sa manual counting ng mga balota ng mga kandidato.
Alinsunod sa alituntunin ng Commission on Elections (Comelec), bawat partido ay pinahihintulutan na magkaroon ng mga isang kinatawan sa loob ng presinto sa oras ng bilangan.
Maliban dito, may tig-isang observer mula sa NAMFREL at kapareho nitong citizens arm na Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV.
Maliban sa dayaan sa bilangan, babantayan din ng NAMFREL ang mga mangangampanya sa araw ng eleksyon at mga mamimigay ng mga campaign paraphernalia sa loob at malapit sa mga presinto na mahigpit na ipinagbabawal base sa election code.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.