16-taong dalagitang biktima ng human trafficking, nailigtas sa Quezon
Nailigtas ang isang 16-taong gulang na babae mula sa tatlong human traffickers sa bayan ng Tiaong, Quezon.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa isang babae na sapilitang pinapasok sa isa sa mga kwarto sa apartelle sa Barangay Poblacion 1 bandang 9:30, Biyernes ng gabi.
Nang rumesponde ang pulisya, agad naaresto ang mga suspek na sina Josephine Bague, Gilberto Oguis at Apolinario Guci Jr.
Napag-alaman ng pulisya na ang biktima ay residente ng Calauan, Laguna.
Hindi naman binanggit ng pulisya kung paano napunta ang biktima sa mga suspek.
Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 bahagi ng Expanded Anti-Human Trafficking in Persons Act of 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.