Dalawang balota, nakakalito sa mga botante

By Jan Escosio May 11, 2018 - 09:39 PM

Bagamat 100 porsiyento ng handa ang Comelec sa eleksyon sa Lunes, inamin ni Comelec Acting Chairman Al Parreno na malaking hamon sa kanila na maibsan ang kalituhan ng mga botante sa balota.

Ayon kay Parreno, nalilito ang mga botante sa pagkakaroon ng dalawang balota lalo na ang mga edad 18-30 rehistradong botante.

Aniya ang mga ito kasi ay dalawang balota ang dapat nilang sulatan, isa para sa iboboto nilang barangay officials at ang isa namam ay para sa mga nais nilang SK candidates.

Sinabi ni Parreno na napansin nila ang pagkalito sa mga isinagawa nilang mock elections.

Paalala pa nito, ang maling pagsulat ng mga mapipili nilang kandidato sa balota ay hind mabibilang na boto.

Kayat aniya dapat ay suriin mabuti ng mga botante na tama ang sinusulatan nilang balota.

TAGS: balota, comelec, balota, comelec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.